Sunday, February 15, 2009

Sabado ng Enero

Naglaho ang mundo
Isang Sabado ng Enero
Mundo ng galak
Mundo ng saya.

Pumalit ay pangungulila
Sa araw ng iyong paglalayag
Isang libong tanong
Lahat walang sagot.

Nais ko ba talaga
Malapatan ng mga sagot?
Kahit isa sa isang libo
Nais kong unawain.

O baka ang gusto ko lang
Usisain ang sagot
Dahil di ko pa matanggap
Kinahinatnan ng tanong.

O baka ang gusto ko lang
Magtanong ng magtanong
Hindi para sa iyo
Kundi para makilala ako.

Ano ba ang gusto ko?
Ano ba ang dapat itanong?
Ano ba ang mga sagot?
Pagmamahal? Pagkakaibigan?

Naglaho ang mundo
Isang Sabado ng Enero
Pero naririto pa rin kami
Gagawa ng bagong mundo


Para sa kaibigang batid na ang mga sagot

2 Comments:

At Sun Feb 15, 10:38:00 PM EST, Anonymous Anonymous said...

Naks, naman. Isa ka palang poet.

May mga damdaming sinasalamin ang iyong tula.

Gaya ng ibang tula, kalimitan ang damdadamin at mensaheng nakapaloob dito'y nakatago at kailangan pang halughugin.

Ganito ang nadarama ko sa tula mo. Simple ang struktura, maaaring simple rin ang mensahe... pero ang damdaming nakapaloob ay marami.

 
At Sun Mar 22, 02:37:00 PM EDT, Blogger ubermensch14 said...

la_flash

Salamat. Minsan, kapag sadyang naaantig ako ng mga kaganapan, nagpapadala ako sa agos ng pagsulat.

Minsan ko na lang dalawin ang blogger site ko. Ginagamit ko na lang ito na mirror nito:
http://ubermensch14.multiply.com/

 

Post a Comment

<< Home